9 na security personnel ng operator ng e-sabong, hindi nakarating sa Senate hearing

Hindi sumipot sa imbestigasyon ng Senado ang siyam na security personnel ng Lucky 8 Star Quest na operator ng e-sabong.

May kaugnayan ito sa imbestigasyon ng Senado sa pagkawala ng 34 na mga sabungero.

Sa pagdinig, sinabi ni Atty. Angelo NiƱo Santos, presidente ng Lucky 8 Star Quest na pito kasi sa mga security personnel ang nagpositibo sa COVID-19.


Habang ang dalawang iba pa ay walang medical clearance mula sa doktor kaya hindi nakadalo sa Senate hearing.

Ayon kay Atty. Santos, ito ay bilang pagsunod lamang nila sa health protocol ng Senado.

Duda naman dito ang mga senador dahil maaari naman daw na via Zoom na lamang paharapin ang mga security personnel.

Facebook Comments