Tumanggap ng parangal ang isa sa mga anchor ng DZXL News 558 RMN Manila na si Ms. Jenny Pahilanga.
Iginawad sa kanya ang Lingkod Mamamahayag para sa radyo sa “Gawad Pag-IBIG para sa Media” na ginanap sa Rizal Hotel sa Maynila.
Sa mensahe naman na ipinadala ni Mr. Rico Canoy, RMN Executive Vice President at Chief Operations Officer, pinasalamatan niya ang Pag-IBIG sa kanilang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng radyo sa paghatid ng balita at impormasyon.
Sa huli, kinikilala ni G. Canoy ang dedikasyon at walang sawang serbisyo ng Pag-IBIG kasabay ng pangako na makakaasa ang ahensya na makakatuwang at patuloy na susuportahan ng RMN Networks ang mga programa nito sa mga miyembro.
Facebook Comments