E-bike at e-trike, bawal na sa major roads sa NCR simula Abril; mga driver ng e-vehicles, obligado na ring magkaroon ng lisensya

Epektibo sa Abril, bawal na sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ang mga e-bike, e-trikes at iba pang electric motor vehicles.

Sa ilalim ito ng inaprubahang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Regulation No. 24-022 series of 2024 ng Metro Manila Council (MMC).

Ban din sa mga kalsadang sakop ng hurisdiksyon ng MMDA maging ang mga tricycle, pedicabs, pushcarts at “kuliglig.”


Sinumang lalabag ay pagmumultahin ng ₱2,500.

Sabi ni MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, obligado na rin ang mga driver ng e-vehicles na magkaroon ng lisensya.

Kabilang sa mga lugar na bawal ang e-vehicles ay ang sumusunod:

C1: Recto Avenue
C2: Pres. Quirino Avenue
C3: Araneta Avenue
C4: EDSA
C5: Katipunan/CP Garcia
C6: Southeast Metro Manila Expressway
R1: Roxas Boulevard
R2: Taft Avenue
R3: SLEX
R4: Shaw Boulevard
R5: Ortigas Avenue
R6: Magsaysay Blvd./Aurora Blvd.
R7: Quezon Ave./Commonwealth Ave.
R8: A. Bonifacio Ave.
R9: Rizal Ave.
R10: Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway
Elliptical Road
Mindanao Avenue
Marcos Highway

Paglilinaw naman ni MMDA Chairman Romando Artes, layon ng resolusyon na matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga motorista at hindi upang magpatupad ng total ban sa paggamit ng e-vehicles.

Noon lamang kasing 2023, nakapagtala ang MMDA ng 554 na aksidente sa kalsada sangkot ang e-vehicles.

Facebook Comments