E-cash Paymaya, gagamitin na rin ng DSWD para mapabilis ang distribusyon ng financial assistance

Asahan na mababawasan na ang kalbaryo ng mga benepisasyo ng mga cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Mawawala na kasi ang mahabang pagpila para kumuha ng ayudang pinansyal.

Ito ay dahil sa partnership ng DSWD at E-wallet o cashless application na Paymaya.


Sa pamamagitan nito ay maaari nang makuha ng isang beneficiary ang kanyang second tranche ng financial assistance mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Ayon sa DSWD, layon nito na mapabuti ang serbisyo sa publiko at bilang pagtalima na rin sa ipinatutupad na health protocols sa ‘new normal’.

Bukod sa pinaginhawang pagkuha ng ayuda, maaari ding gamiting pambayad ng bills gaya ng kuryente tubig at groceries ang E-cash mula sa Paymaya account sa pamamagitan ng 30,000 Smart Padala outlets sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments