Isinusulong ng Department of Finance na taasan ang buwis sa Electronic Cigarettes at Vapes.
Ayon kay Finance Usec. Karl Kendrick Chua, panukala ng kagawaran, itaas ang buwis sa Vapes sa 45 Pesos, pantay sa Excise Tax sa isang pakete ng regular na sigarilyo sa taong 2020.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11346, bawat cartridge, refill, pod, o container ng vapor products na naglalaman ng liquid solutions o gel na hanggang 10 Milliliters ay papatawan ng buwis ng 10 Piso sa Enero a-Uno 2020.
Ang Excise Tax ay pwedeng umabot ng 50 pesos para sa mga quantity na may higit 50ml.
Dagdag pa ni Chua, mayroon ding panukalang buwisan ang Vaping machine ng 30% bilang Luxury Tax.
Maliban dito, nais ding taasan ang buwis sa Alcohol products, mula sa ₱25-₱28 Pesos kada Litro sa ₱40 bawat Litro.
Ang revenue mula sa buwis sa Alcohol, Cigarettes at Sweetened Beverages ay ilalalan bilang pondo sa Universal Health Care Law.