E-gov PH Super App sa mga LGU, ilulunsad ni PBBM ngayong araw

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Bagong Pilipinas E-gov PH Serbisyo Hub tampok ang E-gov PH Super App, sa San Juan City.

Isa itong mobile application na magsisilbing isang one-stop platform kung saan maaaring maka-avail ng mga serbisyo ng gobyerno, tulad ng National ID, PhilHealth, SSS, Pag-IBIG, at PRC ID.

May features din ito tulad ng eTravel, eGovPay, e‑LGU services, eJobs, eReport o feedback portal at iba pa.

Sa pamamagitan ng application, maiiwasan ang haba ng pila sa mga ginagawang transaksiyon sa tanggapan ng gobyerno.

Matapos naman nito ay didiretso ang Pangulo sa Balagtas, Bulacan para inspeksiyunin ang North- South Commuter Railway Balagtas Station.

Ang North-South Commuter Railway ay isang 37.9 kilometer mass railway transportation project na layong pababain ang biyahe mula Malolos hanggang Tutuban sa 35 minuto lamang, mula sa dating isang oras at 30 minuto.

Facebook Comments