E-JEEP | Route rationalization plan ng DOTr, hinihintay na ng EVAP

Manila, Philippines – Hinihintay na lamang ng Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP) ang Route Rationalization Plan ng Department of Transportation (DOTr) kung saan mga lugar sa bansa itatalaga o gagamitin ang mga electric jeepney.

Ayon kay EVAP President Rommel Juan, ito ang magiging basehan nila para sa pagpapatupad ng kanilang Omnibus Franchising Guidelines.

Dagdag ni Juan ang mga sasakyang pinapaandar ng kuryente ay perpekto para sa mga ‘Last-Mile Trips’.


Inihalimbawa aniya niya ang mga pasaherong galing ng tren o bus na pauwi sa mga residential areas.

Sa ilalim ng modernization program, papalitan ang mga lumang jeep ng mga Eco-Friendly Jeep na pinapaandar ng Euro 4 Diesel Engine o kaya naman ay kuryente.

Facebook Comments