
Isinagawa ang pagsasa-ayos ng E.P. Nava Road sa Barangay Tapuac, Dagupan City sa pamamagitan ng Pavement with Lateral Drainage Project na may habang humigit-kumulang 280 metro.
Ang naturang proyekto ay binubuo ng Phase 1, na kasalukuyan nang natapos, habang inaasahan naman ang pagpapatupad ng Phase 2 sa mga susunod na panahon.
Ang proyekto ay sinimulan sa panahon ni dating Congressman Toff de Venecia at ipinagpatuloy sa ilalim ng panunungkulan ng kanyang ina, bilang tugon sa kahilingan ng barangay na isinulong sa pamamagitan ng opisyal na resolusyon.
Layunin ng proyekto na mapabuti ang kondisyon ng kalsada at ang sistema ng daluyan ng tubig sa lugar, upang mas maging maayos, ligtas, at episyente ang daloy ng trapiko at araw-araw na paggalaw ng mga residente.
Makikita sa mga larawang kuha bago at matapos ang proyekto ang malaking pagbabago sa kalagayan ng E.P. Nava Road, na ngayon ay mas maayos at mas angkop sa pangangailangan ng komunidad.








