Nasa ₱3 bilyon ang gross revenue o kita kada buwan ng kompanyang Lucky 8 Star Quest na pagmamay-ari ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Sinabi ito ni Ang sa pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ukol sa pagkawala ng 34 na sabungero na konektado sa e-sabong.
Ayon kay Ang, nasa ₱1 billion hanggang ₱2 billion ang taya sa e-sabong sa Lucky 8 Star Quest o humigit kumulang ay ₱60 bilyon kada buwan.
Mula sa nasabing halaga ay 5% ang kaniyang komisyon o 100 million kada araw o ₱3 bilyon kada buwan.
Binanggit ni Ang na ang kalahati ay mapupunta sa master agents kaya 1.5 billion ang matitira kung saan ibabawas ang mga gastusin kaya nasa 800 o 900 million na lang ang kita nya sa isang buwan.
₱640 million naman kada buwan ang nalilikom ng PAGCOR mula sa Lucky 8 Star Quest na para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ay payat o maliit.