Military facilities sa Palawan, ininspeksyon ng AFP Chief of Staff

Tumungo sa Palawan at ininspeksyon mismo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino ang mga military at government facilities.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col Jorry Baclor, binisita ni AFP Chief of Staff ang Headquarters ng Joint Task Force Malampaya sa El Nido, Palawan.

Ang mga JTF Malampaya ang nagbabantay sa Malampaya gas field.


Pinuntahan niya rin ang dating Matinloc at Nido gas platforms sa Palawan na binabantayan din ng JTF Malampaya.

Ininspeksyon din ni Centino ang Philippine Navy’s BRP Jose Rizal (FF150) na nagsasagawa ng patrolya sa West Philippine Sea.

Sa kanyang Talk to Troops, pinaalalahanan ni Centino ang mga sundalo ang kahalagahang magampanan ang kanilang responsibilidad para bantayan ang mga pasilidad sa lugar na source ng energy ng Pilipinas.

Panawagan din ni Centino sa mga sundalo na suportahan ang nagpapatuloy na modernization ng Philippine Navy.

Facebook Comments