E-sabong, makabubuting ipatigil na ng tuluyan kung hindi kaya ng ating mga batas na kontrolin ang operasyon nito

Hiniling ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na isaalang-alang nang mabuti ang kapakanan ng publiko at itaguyod ang integridad ng gaming industry.

Mensahe ito ni Gatchalian, bilang pakikiisa sa paghikayat ng senado sa PAGCOR na suspindehin muna ang lisensya ng mga operator ng e-sabong hangga’t hindi nareresolba ang kaso ng 34 na sabungerong nawawala.

Paliwanag ni Gatchalian, buhay ng mga kababayan natin ang isinasaalang-alang ng senado sa pansamantalang pagpapatigil sa operasyon ng e-sabong.


Para kay Gatchalian, ang pagsuspinde sa operasyon ng e-sabong ay isang maagap na diskarte para mapigilan ang mga bagong kaso ng pagdukot at pagkawala ng mga indibidwal na sangkot sa online sabong.

Diin ni Gatchalian, lubos na nakakabahala na nawalang parang bula at walang bakas ng kinaroroonan ang 34 na sabungero.

Facebook Comments