LANDBANK branch sa Marawi City, binuksan na muli!

Binuksan na noong January 18, 2022 ang LANDBANK Marawi Branch sa bagong lokasyon nito sa National Highway Amai Pakpak, National Road, Barangay Biaba Damag.

Ito ay matapos ang mahigit limang taong na masira ito dahil sa Marawi Siege.

Ang LANDBANK Marawi Branch ay makakapagbigay ng serbisyo sa mga pangangailangan sa pagbabangko ng publiko at pribadong mga customer ng lungsod, gayundin ang 37 kalapit na munisipalidad sa lugar.


Ayon kay LANDBANK President and CEO Cecilia Borromeo, binuksan ang naturang bangko upang sa pagpapaunlad at rehabilitasyon ng lungsod at mga kalapit na munisipalidad at upang isulong ang pagbangon at bumuo ng mas matatag na komunidad.

Ipinagpatuloy ng Marawi Branch ang operasyon ng ATM nito at na-activate ang dalawang offsite ATM sa Marawi City noong Agosto 2017.
Ang nasabing bangko ay patuloy na nagbibigay ng mga pangangailangan ng mga residente sa mga LGU upang pasiglahin at umunlad ang ekonomiya.

Facebook Comments