E-scooters, dapat iparehistro – LTO

Nagpaalala ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko na kailangang ipa-rehistro ang mga ginagamit na electric scooter.

Ito ay kung gagamitin ang mga ito sa mga pangunahing kalsada.

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante – ang pag-o-operate ng e-scooter ay dapat may lisensya dahil itinuturing itong motor vehicle na parehong nasa kategoryang electronic bike.


Handa namang ipatupad ng mga lokal na pamahalaan ang panuntunan ng LTO.

Samantala, hinikayat naman ng MMDA ang publiko na huwag gamitin ang e-scooter sa mga major roads tulad ng EDSA at Commonwealth Avenue.

Facebook Comments