Pinasinayaan ang isang e-skwela hub sa Barangay 585 Sampaloc, Maynila sa pangunguna nina Manila Mayor Isko Moreno at Ang Probinsyano Representative Ronnie Ong.
Ayon kay Ong, inilunsad nila ang proyekto bilang bahagi ng paghahanda sa pagbubukas ng klase sa October 5.
Mayroong walong computer ang nasabing e-hub kung saan maaaring mag-research at magprint ng libre ang mga estudyante at guro.
Ayon sa kongresista, ito na ang ikalawang e-hub na kanilang itinayo kung saan nauna sa lungsod ng Baguio.
Nakatakda rin silang magtayo pa ng ibang kaparehong pasilidad sa iba pang lungsod ng Metro Manila at sa mga lalawigan.
Ikinatuwa naman ni Moreno ang e-hub dahil malaking tulong ito sa mga estudyante at pandagdag na rin ito sa mga nauna na nilang naipamigay na tablet sa mga mag-aaral ng Maynila.