Taguig City, may “Libreng Hatid at Sundo” para sa mga may sakit

30

May inihahandang transport service ang pamahalaang lungsod ng Taguig na handang bumiyahe at tumugon sa transportasyon ng mga pasyenteng nagda-dialysis, may chemotherapy o radiotherapy sessions.

Gayundin ang mga senior citizens, buntis at may kapansanan na kailangang sumailalim sa check-up at iba pang nangangailangan ng medical treatment na hindi emergency case.

Para maka-avail sa serbisyong ito, kailangang mag-text sa numerong 0961-734-0834 dalawang araw bago ang takdang mga check-up o medical sessions.

Layunin ng nabanggit na hakbang ng Taguig City government na matugunan ang pangangailangan ng mga may sakit na walang masasakyan dahil sa pansamantalang pagtigil ng pagbiyahe ng mga pampublikong transportasyon.

Facebook Comments