Opisyal nang medal sport ang electronic sports (Esports) sa 19th Asian Games na gaganapin sa Hangzhou, China sa Setyembre sa susunod na taon.
Ayon sa Olympic Council of Asia, ang pagkakabilang ng Esports sa naturang kompetisyon ay repleksiyon ng popularidad at paglago nito lalo na sa China at sa buong Asya.
Kabilang sa kategorya ng Esports ang walong event na:
• Arena of Valor Asian Games Version
• Dota 2
• Dream Three Kingdoms 2
• EA SPORTS FIFA branded soccer games
• Hearth (herth) Stone
• League of Legends
• PUBG (PAB-G) Mobile Asian Games Version
• Street Fighter V
Bago nito, una nang inilabas ang Esports bilang medal event sa 30th Southeast Asian Games noong 2019 kung saan naging host ang Pilipinas.
Facebook Comments