Angel Locsin, nagpaabot ng pasasalamat sa mga medical health workers!

75

Binigyang diin ng actress na si Angel Locsin ang kahalagahan ng mga health workers sa gitna ng pandemya.

Sa kaniyang Instagram, sinabi ni Angel na nararamdaman niya ang lumbay ng mga taong hindi mapuntahan ang kanilang mga mahal sa buhay dahil sa pakikipaglaban sa virus.


Aniya, kayang mabuhay ng mundo kahit walang mga pulitiko, negosyante, pulis at artistang tulad niya pero hindi natin kaya nang walang medical workers.

Dahil dito, lubos ang naging pasasalamat ni Angel sa lahat ng frontliner ngayong pandemya.

Matatandaang hinangaan ng maraming tao ang aktres dahil sa tahimik na pagtulong nito sa mga nangangailangan.

Facebook Comments