E-trike sa Quezon City, aarangkada na ngayong araw

Manila, Philippines – Aarangkada na ngayong araw ang electric passenger tricycle o E-trike sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Department of Public Order and Safety Dr. Elmo San Diego, mula sa Kalayaan Avenue ay maari nang sumakay sa limang E-trike patungo sa Maginhawa Art and Food Hub.

Kung magiging matagumpay ang biyahe ng naturang mga E-trike ay dadagdagan pa ito ng 15 units ng Quezon City local government.


Una nang nag-deploy sa Maynila ng 50 mga E-trikes kapalit ng mga tradisyunal na tricycle na naglalayong mabawasan ang gas emission.

Facebook Comments