US President Donald Trump, magsasagawa ng malaking rally kasabay ng kanyang 100th day bilang Pangulo

Amerika – Kinumpirma ni US President Donald Trump na magsasagawa siya ng malaking rally sa estado ng Pennsylvania kasabay ng kanyang 100th day bilang Pangulo ng Amerika sa darating na Abril 29.

Gaganapin ang rally sa parehong araw ng taunang White House correspondents’ dinner na hindi dadaluhan ni Trump.

Inanunsyo ni Trump ang hinggil sa rally, isang araw matapos siyang mag-tweet sa aniya’y “ridiculous standard” ng 100-day construct para sukatin ang mga achievement o nakamit ng bagong administrasyon.
Nation


Facebook Comments