E-Trikes mula sa DOE, dumating sa Brooke’s Point, Palawan

Palawan – Dumating na sa bayan ng Brooke’s Point ang 50 unit ng E-Trikes mula sa Department of Energy (DOE) sa ilalim ng Energy Efficient Vehicles Project o “E-Trike Project.”

Ang nasabing mga E-Trikes ay nagkakahalaga ng nasa mahigit 22 milyon ngunit ibinigay ito ng libre ng DOE sa nasabing lokal na pamahalaan dahil sa pagkakapili nito bilang pilot area ng ‘Urban Green City’ sa buong lalawigan.

Ayon naman sa local na pamahalaan na nasa proseso na ng pagpili ng mga magiging benepisyaro ng proyektong ito sa pamamagitan ng rent-to-owned scheme.


Prayoridad dito ang mga tricycle driver na walang sariling sasakyan o mga tricycle driver na nakiki-boundary lang at dapat miyembro ito ng mga TODA.

Ayon sa DOE, sa pamamagitan ng pagsakay sa E-Trikes ay nakakatulong na agad ang bawat isa sa pangangalaga ng kalikasan dahil ang mga E-Trike ay hindi maingay at hindi rin nagbubuga ng usok.

Hinikayat ng DOE ang mga mamamayan ng Brooke’s Point at mga bisita na tangkilikin ang mga bumibiyaheng E-Trikes.

Facebook Comments