E-warrant laban sa sinasabing komunistang community doctor, inihahanda na ng korte

Anumang oras ay ilalabas na ng korte ang e-warrant laban sa sinasabing Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) member, fundraiser at recruiter na si Dr. Maria Natividad Castro alyas Dr. Naty.

Ito ay matapos na magdesisyon ang hukuman na ipagpatuloy ang paglilitis laban kay Castro, makaraang baligtarin ni Bayugan City, Agusan del Sur Executive Judge Ferdinand Villanueva ang naunang utos ng korte na ibasura ang mga kaso laban kay Castro.

Sa desisyon ni Judge Villanueva, sinabi na walang denial of due process sa akusado dahil nagsagawa ng preliminary investigation ang prosekusyon.


Batay pa sa hukom, nagkaroon ng hurisdiksyon ang korte sa doktora nang siya ay arestuhin sa bisa ng warrant of arrest.

Ang kaso laban sa doktora ay nag-ugat sa sinasabing pagdukot at pagkulong sa isang Bernabe Salahay na miyembro ng Civilian Active Auxiliary ng Philippine Army noong December 2018.

Facebook Comments