Eagle Riggs nabundol ng motorsiklo sa Palawan, desididong panagutin ang drayber

Michael Eagle Riggs / Palawan News

Inoperahan sa binti ang host-comedian na si Michael Eagle Riggs matapos mabangga ng motorsiklo sa Palawan noong Linggo, Agosto 18.

Ayon sa Facebook post ng Palawan News, Lunes, tumatawid sa kalsada sa Barangay Bancao-Bancao si Riggs upang bumili ng mineral water nang mabangga ng motor.

Unang isinugod sa Ospital ng Palawan si Riggs bago inilipat sa Cooperative Hospital kung saan isinagawa ang operasyon.


Kuwento niya, dalawang hakbang na lang at nasa sidewalk na siya nang biglang may tumama sa kanya.

“Ang kuwento na lang sa akin ng mga nakakita, ako raw ay umikot at bumagsak, mukha ko raw yung nahulog,” aniya.

Desidido naman si Riggs na panagutin ang drayber na kinilalang si Rey Vincent Pacaldo, isang construction worker, na umano’y nakainom nang mangyari ang aksidente.

โ€œKailangan sila ang mag-shoulder ng expenses (hospitalization bill) ko dito, kasi ‘yung sa akin, wala akong pera. ‘Yung show ko sa Tataboom, gratis yun, because the owner is a good friend of mine,” ani Riggs sa parehong pahayagan.

Nagsampa na ng reklamong reckless imprudence resulting to physical injuries sa korte laban sa drayber.

Nasa Puerto Princesa noon ang komedyante para mag-host sa isang show, Sabado, Agosto 17.

Facebook Comments