Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ang Cagayan Valley Region ng kabuuang 16,587 early marriages mula sa edad 18-24 taong 2019, ayon sa Philippine Statistics Authority-Civil Registration and Vital Statistics Report (PSA-CRVSR).
Bagamat may kaunting pagbaba kumpara sa bilang ng mga batang lalaki at babae na nakapangasawa ng taong 2018, may kabuuang bilang na 16,931 o katumbas ng humigit kumulang 2% reduction pero nananatili pa rin na mataas ang bilang na ito.
Mula sa inilabas na report, 42% dito ay pawang mga kabataan kung saan higit sa kalahating bilang ay mga kababaihan (59.8% or 9,916) na nakapag-asawa na mas may edad sa kanila.
Maliban dito, bumaba ang bilang ng mga would-be-couples o mga sumailalim sa Pre-Marriage Orientation kabilang ang edad 18-19 mula sa 374 sa first quarter ng 2021.
Ito ay lima hanggang sa walong beses na mababa sa nakalipas na taon kung saan nakapagtala ng 2,689 taong 2019 at 1,550 sa 2020 sa parehong quarter kung saan mababa ito dahil sa posibleng epekto ng pandemya at plano ng ilang couples ang ipagpaliban ang kanilang nakatakdang kasal.