iFM Laoag – Nakapagtala na ang Ilocos Norte ng 177 na kaso ng maagang pagbubuntis o ‘early pregnancy’.
Ito ang pahayag ni Ginang Janet London ang tagapangasiwa ng Gender and Development Office ng Provincial Government of Ilocos Norte.
Ayun kay London, umabot ng 81 kaso mula sa firt district at 96 naman sa second district ng Ilocos Norte. Dagdag nito na ito na ang pinakamalaking bilang na naitala ng lalawigan, at karamihan sa mga biktima ay mga estudyante, samantalang out-of-school naman ang iba o hindi na nag-aaral.
Naalarma naman si Governor Matthew Marcos Manotoc at kinakailangan daw ang kooperasyon ng iba’t-ibang lokal na gobyerno upang matugonan ang nasabing problema. Kinakailangan umano ang ‘sex education’ at family planning symposium para malaman ng mga kabataan ang kahalagahan ng buhay at mga maaaring maranasan ng mga ito na hamon sa pagbubuntis at pagbuo ng pamilya sa murang edad. ### Bernard Ver, RMN News