Early Recovery Plan inilatag ng BARMM Government sa IATF Covid -19

Umani ng pagsaludo mula sa Inter Agency Task Force on Covid 19 ang mga ginawang inisyatiba ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao upang malabanan ang Corona Virus Disease 19.

Itoy kasabay ng isinagawang National IATF Meeting sa 6th Infantry Kampilan Division sa Camp Siongco Headquarters sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao na nilahukan mismo ng IATF Chair Sec. Delfin Lorenzana, Implementer Sec. Carlito Galvez , DILG Secretary Eduardo Año, Health Secretary Francisco Duque III kasama ang mga opisyales mula Western Mindanao Command at BARMM Government.

Binigyan rin ng pagkilala ng National IATF ang Collective Effort ng BARMM Government upang makapagtala lamang ng mababang bilang ng COVID sa rehiyon bukod pa sa agarang pagtulong sa mga naapektuhan.


Sa record ng Minister of Health , 28 kaso lamang ang naitala sa buong BARMM.

Samantala, kabilang sa inilatag naman ng BARMM Government sa IATF ang mga gagawing Early Recovery Plan sa rehiyon matapos maperwisyo ng COVID 19 sa loob ng halos tatlong buwan, sinasabing magiging kabilang sa prayoridad ng BARMM Government ay ang pag tutok sa Agriculture, Fisheries, at Construction ayon pa kay MILG Minister Atty Naguib Sinarimbo sa naging panayam ng DXMY.

Present rin kahapon sa meeting si BARMM Executive Secretary Abdulraof Macacua, MOH Barmm Minister Dr. Safrullah Dipatuan, Social Services and Development Minister Minister Atty. Raissa Jajurie, Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform Minister Mohammad Yacob, Cabinet Secretary and IATF Spokesperson Mohd Asnin Pendatun, at Bureau of Public Information (BPI) Executive Director Ameen Andrew Alonto.
BARMM PIC

Facebook Comments