Matapos ang Luzon at Visayas, ang Mindanao naman ngayon ang tinamaan ng lindol.
Sa report ng Phivolcs, Naitala ang mga pagyanig ng lupa sa Davao Occidental at Davao Oriental bago mag alas dose kanina.
Unang naitala ang lindol sa Davao Occidental na may lakas na 4.5 magnitude sa layong 374 km 45 degrees silangan ng Saranggani Davao Occidental at may lalim na 270 Km.
Walang naitalang pinsala at walang aasahang aftershocks sa mga karatig lugar.
11:43 A.M. naman nang tumama ang 4.7 magnituse na lindol sa Baganga, Davao oriental.
Naramdaman ang intensity one sa Bislig city Surigao Del Sur.
Facebook Comments