DAGUPAN CITY – Tiniyak ng lokal ng pamahalaan ng Dagupan na operational o gumagana na ang lahat ng devices na magbibigay signal o babala sa made-detect nitong mga natural disasters tulad ng lindol at tsunami.
Nasa mga barangay ng Bonuan Binloc, Bonuan Gueset, Pugaro, Lucao at sa Malimgas Public Market ang kinaroroonan ng limang mga Tsunami Early Warning System (TEWS) na may kapasidad na tukuyin ang mga rehiyong nasa panganib, matukoy ang pagtataya ng tsunami at kalaunay upang makapagpasya sa kahandaan laban sa panganib.
Siniguro rin na ang mga Earthquake Monitoring System (Intensity Meter) ay gumagana dahil makatutulong ito sa pagtukoy sa kung saan ang parameter, nakapaloob ang detalye ng hypocenter, magnitude, at maging ang oras na pinagmulan ng lindol.
Aalertuhin nito ang bahaging nasasakupan bago pa dumating ang nasabing kalamidad.
Katuwang naman ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) at ilan pang mga kawani nito sa pagsasaayos ng nasabing mga kagamitan.
Layon nitong matiyak ang kaligtasan ng bawat Dagupeno sa panahon ng mga sakuna, upang makapagbigay-abiso at mapaalalahanan ang lahat sa mga kinakailangang hakbang sa kung sakaling maranasan ang hindi naman inaasahan na mga pangyayari. | ifmnews
Facebook Comments