Mahigit ₱600-K halaga ng shabu, narekober sa 15 drug suspects sa QC

Inihahanda na ng Quezon City Police District (QCPD) ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa 15 drug suspects.

Ang naturang mga suspek ay nahulihan ng ₱623,400 na halaga ng shabu sa Quezon City.

Kabilang sa mga narekober sa mga suspek ang cellular phone at buy-bust money na ginamit sa operasyon.


Nakaditine na ang mga drug suspects sa iba’t ibang detention facility sa lungsod ng Quezon habang inihahanda ang mga kaso laban sa kanila.

Facebook Comments