Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanologyand Seismology (PHIVOLCS) na ang normal lang ang nangyaring sunud-sunod nalindol o tinatawag na earthquake swarm sa Batangas.
Ayon kay PHIVOLCSDirector Renato Solidum – normal lamang ito dahil sa dahan-dahangpaggalaw ng isang fault sa lugar.
Nilinaw pa ni Solidum, ang paggalaw ng fault sa batangasay walang epekto sa west valley fault na kung gumalaw ay maaring makapagdulotng malakas na lindol sa Metro Manila o yung tinaguriang ‘the big one’.
Pero aminado si Solidum na kailangan pa rin ang maigtingna paghahanda kung sakaling tumama ang malakas na lindol sa Metro Manila.
Paalala ngayon ng PHIVOLCS, sakaling maramdaman angpagyanig, huwag magpanic at mag-drop, cover at hold hanggang sa matapos ito.
Earthquake swarm sa Batangas, normal lang ayon sa PHIVOLCS
Facebook Comments