Earthquake-Tsunami Drill Isinagawa sa Brgy. Kusiong Datu Odin Sinsuat Maguindanao

Pinangunahan ng Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o READI BARMM kasama ang ibat ibang ahensya ang isinagawang drill noor August 17, araw ng sabado.

Naging venue ng drill ang Bai Hanina National High School na nagsilbing Evacuation Center ng mga residenteng nakiisa sa aktibidad.

Bagaman aminado na may mga kinakailangan paring ayusin at plantsahin , nagpapasalamat si READI BARMM Head at kasalukuyang Minister ng MILG Atty. Naguib Sinarimbo dahil sa pagkakamulat na rin ng mga residente maging ng mga responders sa panahon ng kalamidad.


Ang isinagawang drill ay bilang paghahanda na rin ng Ragional Government , LGU at ng taumbayan sa tila hinog ng fault ng Moro Gulf ayon sa Phivolcs.

Matatandaang August 17, 1976 ng maitala ang 8.1 lindol na sinamahan pa ng tsunami sa Kusiong area na kumitil din sa napakaraming buhay.

Facebook Comments