Easterlies, patuloy pa ring magdadala ng mainit panahon at pag-ulan sa bansa

Umiiral pa rin sa bansa ang Easterlies o ang hanging nagmumula sa Pacific Ocean na nagdadala pa rin ng mainit na panahon sa tanghali habang pag-ulan naman pagdating ng hapon hanggang sa gabi dahil na rin sa epekto ng localized thunderstorm.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Obet Badrina, panahon na ng tag-ulan kaya asahan din ang pag-ulan sa madaling araw.

Dagdag pa ng PAGASA, frontal system naman ang nakakaapekto sa extreme Northern Luzon na magdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Batanes at Babuyan Islands.


Inaasahan ding iiral sa mga susunod na araw ang Southwest Monsoon o hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan partikular sa bahagi ng Ilocos Region at Western section ng Luzon.

Habang localized thunderstorm naman ang nakakaapekto sa gabi sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Paliwanag ng PAGASA sa kasalukuyan, wala pang namo-monitor na Low Pressure Area o LPA ang PAGASA kaya maliit pa ang tiyansa na magkaroon ng bagyo sa susunod na tatlong araw.

Facebook Comments