GRADE 12 STUDENTS SA ECHAGUE, TUMANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE

Cauayan City – Nakatanggap ng Educational Assistance ang mga Grade 12 students mula sa bayan ng Echague, Isabela.

Ang pamamahagi ng naturang tulong pinansyal ay pinangunahan ni 6th District Representative Faustino “Inno” Dy kasama ang DSWD SWAD Team Isabela, at Lokal na Pamahalaan ng Echague sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Kiko Dy.

Umabot naman sa 3.6 Million Pesos ang halaga ng naipamahaging tulong sa 1,203 grade 12 students mula sa naturang bayan.


Ang pamamahagi ng Educational Assistance sa mga mag-aaral ay isa sa mga programang kanilang isinusulong upang matulungan ang mga estudyante sa kanilang pinansyal na pangangailangan sa pag-aaral.

Facebook Comments