Eastern Indonesia niyanig ng magnitude 7.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Eastern Indonesia pasado alas-5:00 ng hapon, oras dito sa Pilipinas.

 

Sa report ng u.s. Geological survey (USGS), nakita ang sentro ng lindol sa layong 168 kilometro timog timog-silangan ng Ternate City sa Moluccas at may lalim itong 10 kilometro.

 

Makalipas lamang ang 30-minuto ay sinundan ito ng magnitude 5.8 magnitude na aftershock.


 

Ayon sa meteorology agency ng Indonesia, wala namang banta ng tsunami kasunod ng malakas na lindol.

 

Sa ngayon, wala pang report ng pinsala sa lugar at kung may casualties sa lindol.

Facebook Comments