LGU Employee, Patay sa Pamamaril!

416

*Mallig, Isabela* – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Mallig Police Station hinggil sa naganap na pamamaril sa isang Gov’t employee pasado alas otso trenta kagabi sa Brgy. San Jose Norte 1, Mallig, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), pinagbabaril ng hindi pa matukoy na suspek ang biktima na si Manny Asprec, 42 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.


Agad na isinugod ang duguang biktima sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Agad naman na tumakas ang suspek sa hindi pang matukoy na direksyon.

Nagpapatuloy naman ang follow-up operation ng mga kapulisan ng upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek kaugnay sa nangyaring pamamaril.

Facebook Comments

From Advertisers