Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Eastern Papua New Guinea kaninang alas-10:50 ng umaga (oras sa Pilipinas).
Dahil sa lindol, nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa tsunami sa loob ng nasabing coastal area sa layong 300 kilometro (180 milya).
Ibinaba naman kalaunan ng U.S. Geological Survey sa 6.9 ang magnitude ng pagyanig.
Sa ngayon, wala pang naitatalang nasugatan sa nangyari habang inaayos na ng mga otoridad ang mga nasirang establisyemento.
Facebook Comments