Inilunsad ng Eastern Police District o (EPD) ang Barangayanihan sa Barangay Rivera ng San Juan City kahapon.
Bahagi ng nasabing programa ang one-stop-shop ng government services tulad ng legal services, Land Transportation Office (LTO) processing, police clearance, medical check-up, housing assistance, at Skills Development and Training ng Technology Education and Skills Development Authority (TESDA).
Kung saan, ilan sa mga residente Barangay Rivera ay tumulong sa mga nasabing opisina o ahensya ng gobyerno na kasali sa nasabing programa.
Maliban dito, namahagi rin ang EPD ng food packs sa mga residente ng barangay.
Ayon kay Police Brigadier General Matthew Baccay, naging matagumpay ang nasabing paglunsad ng programa dahil na rin sa suporta ng local officials, iba’t ibang ahensya ng gobyerno at advocacy support groups.
Dahil sa nasabing programa, asahan aniya ang pagikot ng mga pulis ng EPD sa iba’t ibang bahagi ng barangay ng eastern part ng Metro Manila.