Eastern Police District, tinanggap ang 1,000 kilong kalabasa at food packs mula sa PNP Officers Ladies Club

23

Pinangunahan ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen Matthew Baccay at PCol. Cecillio Ison Jr. ang pagtanggap ng donasyong 1000 kilos ng kalabasa at food packs mula sa Philippine National Police Officers Ladies Club (PNP-OLC) kahapon.

Ang mga opisyal ng PNP-OLC sa pangunguna ni Rosalie “Lalie” H. Eleazar, ang may bahay ni Chief PNP Guillermo Eleazar, nagpaabot sila ng tulong para sa ilang indibiduwal sa metro-east na lubhang apektado ang pamumuhay dulot ng pandemya.


Ang nasabing programa ay bahagi ng PNP’s “Barangayanihan” ( Bayanihan sa Barangay) and Food Bank na ipinatupad ni PNP Chief Eleazar na may layuning matugunan ang pangunahing pangangailangan ng publiko ngayong panahon ng krisis.

Nagpasalamat naman si Baccay sa mga opisyal ng PNP-OLC sa ibinigay na dinasyon nito sa EPD.

Facebook Comments