Bilang ng mga empleyado ng Bureau of Immigration na naturukan ng 2nd dose ng Sinovac vaccine, mahigit 700 na

15

Umabot na sa mahigit 700 na opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) ang naturukan na ng second dose ng Sinovac COVID vaccine.

Sa kabila nito, mahigpit pa rin ang paalala ng BI na sundin pa rin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at face shield habang nasa duty.


Ayon kay BI COVID-19 Task Force Chairman at Deputy Commissioner Aldwin Alegre, naka-schedule na ang second dose ng iba pang mga nauna nang naturukan sa darating na weekend.

Sa kabila nito, mayroon pang tinatayang 700 hanggang 800 empleyado ng BI sa airport at mga satellite office nito sa Metro Manila ang hindi pa nakatatanggap ng bakuna.

Inatasan naman ng BI ang kanilang mga opisyal sa mga field offices sa mga lalawigan na makipag-ugnayan sa kanilang Local Government Units (LGU) para mabakunahan na rin ang mga ito.

Facebook Comments