Eastern Police, nababahala na sa pagtaas ng bilang ng mga lumalabag sa mga ordinasa sa apat na lungsod na kanilang binabantayan

Muling nababahala ang Eastern Police District matapos na umabot sa higit 1,000 indibidwal ang kanilang nahuli na lumabag sa iba’t-ibang ordinansa sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

 

Nabatid na umabot sa 1,288 katao ang nasita ng EPD sa magdamag kung saan 944 dito ay sa Pasig.

 

192 naman ang nahuli sa Mandaluyong habang 124 sa Marikina at 28 sa San Juan City.


 

Dahil dito, isasailalim sa profiling ng EPD ang mga nahuli upang malaman kung ilan beses na silang lumabag sa ordinansa.

 

Karamihan naman sa dinala sa presinto ay nakauwi na matapos magbayad ng multa habang ang ilan sa kanila ay isasailalim sa seminar at community service.

Facebook Comments