Walong preso sa Lamitan City Jail sa Basilan, nakatakas!

Nakatakas ang walong inmate sa Lamitan City Jail, pasado alas 8:00 ng umaga kanina.

 

Ayon kay Police Lt. Col. Christopher Panapan, hepe ng Lamitan City PNP, tulog ang mga jail guard nang tumakas ang mga bilanggo.

 

Tinangay din ng mga presyo ang dalawang m16 rifle ng mga gwardiya.


 

Isa sa mga nakapugang preso ay may kasong murder at pito sa kanila ay may kasong may kinalaman sa iligal na droga.

 

Tinutugis na ng PNP at AFP ang mga preso.

Facebook Comments