Binabantayan ng Department of Health (DOH) ang Eastern Samar at Zamboanga Sibugay dahil sa pagtaas ng COVID-19.
Kasunod ito ng naitalang one-week at two-week growth rate sa naturang mga lugar.
Sa datos ng DOH, ang 7-day growth rate o pagtaas ng kaso sa Eastern Samar ay nasa 200%.
Habang ang Zamboanga Sibugay ay nasa 338.46% ang 7-day growth rate kung saan mahigit triple ang itinaas ng kanilang aktibong kaso.
Nananatili namang mababa ang bed at ICU utilization rate sa naturang lalawigan.
Facebook Comments