Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.5 ang Guiuan , Eastern Samar kaninang ala una trentay nueve ng madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, natunton ang sentro ng lindol sa bahagi ng karagatan na may layong 61 kilometers sa silangan ng Guiuan.
May 15 kilometro ang lalim ng pagyanig at tectonic o paggalaw ng tectonic plates sa ilalim ng lupa ang pinagmulan nito .
Base sa monitoring ng PHIVOLCS hindi naman naramdaman sa kalupaan ang pagyanig kaya at hindi nakapagdulot ng anumang pinsala sa tao at ari-arian.
Pagtiyak pa ng PHIVOLCS wala nang inaasahang aftershocks sa nangyaring pagyanig.
Samantala, niyanig din ng magnitude 4.8 earthquake kagabi dakong alas 10:35 ang bayan ng Saranggani, Davao Occidental.
Pero ayon sa PHIVOLCS, nangyari ito sa karagatan na napakalayo sa kalupaan na may 381 kilometro ang pagitan.