Yasmien Kurdi, ibinida ang kanyang graduation picture

Proud na proud na ibinida ni Yasmein Kurdi ang kanyang graduation picture sa kanyang Instragram.

Ang nasabing litrato ay mayroong caption na “little girls with dreams become women with vision. #filipina.”

Natapos ang akres sa kursong Bachelor of Arts in Political Science sa Arellano University at nakatakda ang kanilang graduation sa Abril 6 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.


Pinag-iisip pa ng 30-year-old actress na kung kukuha siya ng master’s degree sa kursong consular diplomacy o kaya international studies.

Congratulations, Yasmein!

Facebook Comments