EASY ACCESS | OFW e- card, inilunsad na ng OWWA

Manila, Philippines – Bilang pagpapadali sa proseso ng mga serbisyo para sa mga Overseas Filipino Workers, inilunsad na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang OFW e-card.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, layon ng e-card na ito na mabigyan ng easy access sa welfare services, scholarships, training program at social benefits ang mga OFW dahil bukod sa magsisilbi ito bilang valid government ID, tatayo rin ito bilang katibayan ng pagiging miyembro ng OWWA.

Ang e-card na ito libre para sa mga Balik-Manggagawa OFWs na mayroong active OWWA membership, at valid Overseas Employment Certificate.


Nagset up ang OWWA ng OFW e-card Help Desks sa kanilang mga regional offices sa buong bansa upang tumugon sa katanungan ng mga OFWs.

Pinapayuhan ang mga balik manggagawa na bumista sa website ng OWWA para sa iba pang detalye.

Facebook Comments