Ilang Lugar na Sakop ng NGCP sa Isabela at Quirino, Makakaranas ng Brownout Bukas!

*Cauayan City, Isabela- *Makakaranas ng brownout bukas ang ilang lugar na nasasakupan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ito ang kinumpirma ni ginang Melma Batario, tagapagsalita ng NGCP North Luzon na magkakaroon ng pagkawala ng supply ng kuryente ang ilang lugar na sakop ng NGCP sa Lalawigan ng Isabela at Quirino.

Aniya, Mararanasan ang pagkawala ng kuryente dito sa ating Lalawigan simula alas syete hanggang alas syete y medya ng umaga at alas singko y medya hanggang alas sais ng gabi.


Makakaranas naman ng matagalang brownout sa lalawigan ng Quirino mula alas syete ng umaga hanggang alas sais ng gabi.

Paliwanag ni Batario, ito ay dahil sa kanilang taunang inspeksyon at pagsasaayos sa mga poste ng kuryente bilang bahagi na rin ng kanilang programa.

Facebook Comments