Isang experimental drug ang sinusubukan ngayon kontra sa nakamamatay na Ebola Virus sa Democratic Republic of Congo.
Limamput-dalawang pasyente ang nabigyan ng gamot. Ito ang unang pagkakataon na ang isang gamot ay naibigay sa kasagsagan ng outbreak.
Sa huling tala kasi ng World Health Organization (WHO) nasa 118 na ang nasawi sa sakit at may 188 pa na nagpapakita ng mga sintomas ng Ebola outbreak sa bansa.
153 sa mga ito ay kumpirmadong may Ebola na habang ang natitira ay posibleng magkaroon na rin.
Ayin pa sa WHO may 200 na silang mga staff na naka-deploy sa apat na lugar para matulungan ang mga biktima at maiwasang kumalat pa lalo ang Ebola Virus.
Ang Ebola virus ay nagdudulot ng lagnat, labis na pananakit ng ulo at minsan ay hemorrhaging sa mga taong may sakit nito.
Halos kalahati ng nagkakasakit nito ay namamatay kapag hindi agad nagagamot.