ECHAGUE POLICE STATION, IDINEKLARANG DRUG-FREE WORKPLACE

Idineklara na bilang pang ika-21 na Drug-free Workplace ang himpilan ng Echague Police na matatagpuan sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Resulta umano ito ng pagpupursige ng naturang himpilan na pinamumunuan ni PMajor Rogelio C Natividad para mapabilang sa listahan ng mga Drug-Free workplace sa probinsya.

Nakamit ito matapos makumpleto at maipasa ang lahat ng mga kinakailangang requirements sa PDEA RO2.

Pinangunahan ni PLTCol Michael A Aydoc, Chief ng PCADU at PMaj. Natividad kasama ang Provincial BDCP Officer na si IOII Dahlia V. Gines, ang Ceremonial Unveiling of Drug-Free Workplace ng Echague Police Station.

Samantala, ipinaabot ni PLtCol Aydoc ang mensahe ni PCol Julio R Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office na pagbati at papuri sa determinasyon ng lahat ng kapulisan ng Echague sa tulong at kooperasyon ng LGU Echague para maging ganap na Drug-free Workplace.

Pinuri rin ni PCol Go ang magandang hangarin ng Echague Police Station na tuluyang puksain ang paglaganap ng Illegal na droga sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments