Eco- Park sa Lungsod ng Cauayan, Pinasinayaan na!

*Cauayan City, Isabela-* Pinasinayaan kahapon ang ipinagmamalaking Eco-Tourism Park na matatagpuan sa Brgy. Gappal, Cauayan City bilang bahagi sa Tourism Month Celebration ngayong buwan ng Setyembre.

Dinaluhan ito ng mga grupong mananayaw na kinabibilangan ng mga kabataan mula sa Mindanao.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Councilor Gary Galutera, ito ay upang maipakita at maipakilala hindi lamang sa mga Cauayeno kundi maging sa mga turista na bibisita sa Lungsod.


Aniya, ang Hacienda de San Luis ang isa sa mga natatanging pasyalan sa Lungsod kung kaya’t patuloy na sinisikap ng LGU na mas lalo pang mapaganda ang tourist destination na Hacienda De San Luis.

Hinihikayat naman ni Coun. Galutera ang publiko na ipagmalaki at tangkilikin ang mga pasyalan sa Lungsod na binansagang ‘Ideal City of the North’.

Facebook Comments