Eco Walk with Zumba sa Aurora Hill!

37

Baguio, Philippines – Naging matagumpay ang ginanap na Eco Walk with Zumba for a Cause ng BCPO Station Six Council noong May 27 2019 sa Aurora Hill Barangay.

Ang nasabing kaganapan, na pinamunuan ni Police Captain Luis Dangatan Jr., ay para sa kamalayan ng mga residente sa pagpapanatili ng malinis at luntiang kapaligiran na nagtataguyod ng malusog na pamumuhay sa komunidad.


Bago ang Eco Walk, nagkaroon ng registration, blood pressure monitoring at maikling programa sa Bayan Park Covered, Aurora Hill. Ang mga dumalo ay may kani-kaniyang dalang trash bag, plastic gloves, walis tingting at dust pan para sa Eco Walk. Pagkatapos nang paglilibot sa nasabing lugar ay nagkaroon naman ng zumba sa covered court na sinundan ng Awarding of Certificates at picture taking.

Ang nalikom na pera sa kaganapang ito ay para sa sa pagkumpuni/muling pagpapatayo ng Police Outpost sa East Bayan Park/Ambiong Barangay.

iDOL, ano sa palagay mo? comment na!



Facebook Comments

From Advertisers