Naniniwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na “alluring” o nakakaakit ang Charter Change (Cha-Cha)
Sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na mas mahihikayat ang mga dayuhan na mamumuhan sa bansa kapang tinanggal ang mga ‘economic barriers’ sa 1987 constitution.
Paliwanag pa ni Lopez, kinikilala ang ekonomiya ng Pilipinas bilang second fastest growing economy sa Southeast Asia hanggang taong 2019, bago tumama ang pandemya.
Ang economic growth aniya ng bansa ay bibilis kapag tinanggal ang ilang basic restrictions tulad ng paglilimita sa mga dayuhan na makilahok sa investments sa economic activities sa bansa.
Ibinunyag din ng DTI na mayroong 90 foreign investors na seryosong magtatag ng sarili nilang negosyo sa Pilipinas.